Monday, August 23, 2010

Hostage Crisis? No... Hostage Circus...

Pasensya na, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob...

Ukol ito sa katatapos lamang na... ehem... hostage drama sa Quirino grandstand kanina lamang.

Hostage drama... Hindi ba Hostage comedy? Parang Diine Comedy ni Dante Alighieri...

One word.... NAKAKAHIYA

Bakit hindi nadaan sa negosasyon...

Bakit ang SWAT e napakabagal...

Bakit ang simpleng pinto e hindi mabuksan...

Bakit mahinang lubid ang ginamit para hilahin ang naka solid bolt na pinto ng bus.

Bakit hindi agad tinawag ang Fire dept, para gamitan ng mga heavy duty door openers.

Bakit kulang ang gamit ng SWAT wala ba silang C4 mang lang pambukas ng mga salamin, pinto, bintana ng bus

Bakit hindi sila humingi ng tulong sa AFP para sa heavy firearms para mabuksan ang bus.

Bakit kelangang i-tear gas ang hostage taker PATI ANG MGA HOSTAGE!
At bakit hirap na hirap pa silang i-shoot ito sa loob... Bekbekan ba ito sa basketbol? pag hindi na shoot, meron ka pang isang tira?

Bakit hindi organized ang diskarte ng "SWAT" o "Commando" units nila (quoting from yahoo news)

Tapos...

Nakatsamba ang sniper...


PERO BAKIT NI SIMPLENG CROWD CONTROL E HINDI NILA MAAYOS!

Nakakahiya... On national TV broadcasted nation wide, or in some cases, worldwide...

Nakakahiya...

Hostage Crisis? no... it is a Hostage Circus...

Hay Pilipinas... kung di lang kita mahal... Hindi ko masasabing proud akong Pinoy...

Monday, August 16, 2010

A letter to a fallen brother... RIP Brent "Shinchan" Dizon

Dude..

Though minsan lang tayo nagkasama... In a way I'm most disappointed by losingyou...

Naalala mo ba, yung 1st time ka na sumama sa Team MCP sa Marilaque... Ako yung unang nag-approach sa inyo ng kasama mong naka Fury... Nagpapahangin kayo ng gulong nun sa Shell Pugon. The day before, nag post ka sa thread ng Marilaque part (God knows when). Nag reply ako sa yo nun gusto mong sumama...

Naka stock pegs ka pa nga nun e, di ka pa nagbu-boomland. Tapos nung pababa tayo sumemplang ka pa ng diba... Ironic, unang sama mo sa min, unang beses ka bumili ng lote sa Marilaque, hehehe...

Tapos after that, bihira ka namin makita sa tambay nights sa Shell J. Vargas... Minsan sumusulopot sa Sunday rides... 2nd time kitang nakasama sa bakbakan sa twisties... Tapos nakikita kita sa Boomland Trackdays ng Newbies and Masters... I miss the old days...

Tapos there came a time na ako naman yung nawala sa Team MCP. For Personal reasons, had some problems... super lie low ako nun. Tapos yun naman ung time na active ka na sa tambay nights... Sabi ng ng misis mo kanina, yun na ata yung time na tumatakas ka sa gabi para makasama sa tambay ng Team MCP... kaso... wala ako nun...

Tapos nung nagpakita na ko ulit sa MCP, nagulat nga ko e, dahil nakasama na kita sa tambay...

2 tambay nights... inuman sa kina Carlo samay Kowloon... Sayang nga di ka nakasama sa Gumaca Ride... Di ko nakita kung pano mo laruin ang Marilaque... ang malupit na twisties sa Cavinti... gi ko nasilayan ang takbo ng Mamaw ng Crypton mo at yung mamaw mong knee drag...

2 tambay nights... for 2 weeks... nun lang kita nakasama... tapos yung huli e 3 days ago... yun na pala ang huling time na makakabonding kita bro...

Bitin e... unfair... bakit ganun... damn... damn... dapat di ka muna nauna sa min... dude... kinaya ng dibdib mo ang highspeed curves... hindi ko kaya yun... dude... matibay dibdib mo... tapos... sa asthma... damn... Dapat kasama ka pa namin ngayon...

kanina akala ko di ako iiyak... pero pare pumatak luha ko dahil wala ka na... so unfair man... you should be still here... dapat happenings ulit sa friday... dapat maka bonding pa kita sa isang malupit na North loop ng Team MCP...

damn...

Anways bro... Ganun talaga e... kung asan ka man... alam ko masaya ka dyan sa taas... walang pasaway dyan... walang hazards sa twisties dyan... Ride hard... RIDE FREE! ride free...

I'm gonna pray for you bro... we're all gonna pray for you... I'll see you when I get there.. I'll race your sportsbike with my cruiser... up there man... When I meet you up there...

We'll always remember you... And hope you watch us from above... Give my regards to Francis M... Kayo talagang mabubuting tao... favorite kayo ni Lord...

Dude... See ya later... Ride hard... ride free...

-jerkzzz2173